Health Encyclopedia
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Paglabas sa Ospital: Pagkatapos ng Iyong Operasyon

Katatapos lang ng iyong operasyon. Sa panahon ng operasyon, binigyan ka ng gamot na tinatawag na anesthesia pang panatilihin kang nakarelaks at walang pananakit. Pagkatapos ng operasyon, maaari kang magkaroon ng pananakit o pagduduwal. Karinawan ang ganito. Narito ang ilang payo para mas guminhawa ang pakiramdam at gumaling pagkatapos ng operasyon.

Pag-uwi sa bahay

Ipapakita sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung paano alagaan ang iyong sarili kapag umuwi ka na sa bahay. Sasagutin din niya ang iyong mga tanong. Magpahatid sa isang nasa hustong gulang na miyembro ng pamilya o kaibigan. Para sa unang 24 na oras pagkatapos ng iyong operasyon:

  • Huwag magmaneho o gumamit ng mabigat na kagamitan.

  • Huwag gumawa ng mahahalagang desisyon o pumirma sa mga legal na dokumento.

  • Uminom ng mga gamot ayon sa itinagubilin.

  • Huwag uminom ng alak.

  • Magkaroon ng isang tao upang samahan ka, kung kinakailangan. Maaari niyang bantayan ang mga problema at tulungan kang manatiling ligtas.

Siguraduhing pumunta sa lahat ng follow-up na pagbisita sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. At magpahinga pagkatapos ng iyong operasyon hangga't sinasabi ng iyong tagapangalaga.

Pakikipaglaban sa pananakit

Kung mayroon kang pananakit pagkatapos ng operasyon, makatutulong sa iyo ang gamot sa pananakit na mas bumuti ang pakiramdam. Inumin ito ayon sa itinagubilin, bago maging matindi ang pananakit. At, itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan o pharmacist ang tungkol sa iba pang paraan upang kontrolin ang pananakit. Maaaring ito ay sa init, yelo, o pagrerelaks. At sundin ang anumang iba pang tagubilin na ibinigay sa iyo ng iyong siruhano o nars.

Lalaking inilalagay ang tableta sa kanyang bibig habang hawak ang baso ng tubig.
Manatili sa iskedyul ng iyong gamot.

Mga payo sa pag-inom ng gamot sa pananakit

Upang makuha ang posibleng pinakamahusay na ginhawa, tandaan ang mga puntong ito:

  • Maaaring sumakit ang iyong tiyan sa mga gamot sa pananakit. Maaaring makatulong ang pag-inom sa mga ito nang may kaunting pagkain.

  • Kailangan ng karamihang iniinom na pampaginhawa sa pananakit ang hindi bababa sa 20 hanggang 30 minuto upang magsimulang gumana.

  • Huwag maghintay na tumindi ang iyong pananakit bago ka uminom ng iyong gamot. Subukang orasan ang iyong gamot para mainom mo ito bago magsimula sa isang gawain. Maaaring ito ay bago ka magbihis, maglakad, o maghapunan.

  • Karaniwang masamang epekto ng ilang gamot sa pananakit ang pagtitibi. Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago uminom ng anumang gamot gaya ng mga pampadumi o pampalambot ng dumi upang makatulong na mapaginhawa ang pagtitibi. Itanong din kung dapat mong laktawan ang anumang pagkain. Makakatulong din ang pag-inom ng maraming likido at pagkain ng mga prutas at gulay na maraming fiber. Tandaan, huwag uminom ng mga pampadumi maliban kung inireseta ang mga ito ng iyong siruhano.

  • Maaaring magdulot ng pagkahilo at pagbagal ng iyong paghinga ang pag-inom ng alak at pag-inom ng gamot sa pananakit. Maaari din itong makamatay. Huwag uminom ng alak habang umiinom ng gamot sa pananakit.

  • Maaaring gawin ng gamot sa pananakit na mas mabagal kang magreaksyon sa mga bagay-bagay. Huwag magmaneho o magpatakbo ng makinarya habang umiinom ng gamot sa pananakit.

Maaaring sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na uminom ng acetaminophen upang makatulong na mapaginhawa ang pananakit. Itanong sa kanya kung gaano karami ang dapat mong inumin bawat araw. Maaaring magkaroon ng reaksyon ang acetaminophen o iba pang pampaginhawa sa pananakit sa iyong mga resetang gamot o iba pang gamot na nabibili nang walang reseta. May acetaminophen at iba pang sangkap sa mga ito ang ilang inireresetang gamot. Maaari kang ma-overdose nang di-sinasadya ng paggamit ng parehong inirereseta at OTC na acetaminophen para sa pananakit. Basahin nang maingat ang mga etiketa ng iyong mga gamot na OTC. Tutulungan ka nito na malaman nang malinaw ang listahan ng mga sangkap, kung gaano karami ang iinumin, at anumang babala. Maaari din itong makatulong sa iyo na hindi uminom ng napakaraming acetaminophen. Kung mayroon kang mga tanong o hindi naiintindihan ang impormasyon, hingin sa pharmacist o tagapangalaga ng kalusugan na ipaliwanag ito sa iyo bago ka uminom ng gamot na OTC.

Pamamahala ng pagduduwal

Maaaring mayroong masakit na tiyan (pagduduwal) ang ilang tao pagkatapos ng operasyon. Madalas ito dahil sa anesthesia, pananakit, o gamot sa pananakit, mas kaunting paggalaw ng pagkain sa sikmura, o ang stress ng operasyon. Tutulungan ka ng mga payong ito na kontrolin ang pagduduwal at kumain ng masusustansyang pagkain habang gumagaling ka. Kung nasa plano ng espesyal na pagkain ka bago ang operasyon, itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung dapat mo itong sundin habang nagpapagaling ka. Itanong sa iyong tagapangalaga kung paano dapat sumulong ang iyong pagkain. Maaari itong dumepende sa operasyon na nagkaroon ka. Maaaring makatulong ang mga pangkalahatang payo na ito:

  • Huwag puwersahin ang iyong sarili na kumain. Sasabihin sa iyo ng iyong katawan kung kailan kakain at kung gaano karami.

  • Magsimula sa malilinaw na likido at sopas. Mas madaling tunawin ang mga ito.

  • Susunod, subukan ang mga medyo matitigas na pagkain kapag handa ka na. Kabilang sa mga ito ang niligis na patatas, applesauce, at gelatin.

  • Unti-unting lumipat sa matitigas na pagkain. Huwag kumain ng matataba, maraming sangkap, o maanghang na pagkain sa simula.

  • Huwag puwersahin ang iyong sarili na magkaroon ng 3 malalaking pagkain sa isang araw. Sa halip, mas madalas na kumain ng kakaunti ang dami.

  • Uminom ng mga gamot sa pananakit na may kaunting matigas na pagkain, gaya ng mga biskwit o tostadong tinapay. Tumutulong ito na maiwasan ang pagduduwal.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag agad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Mayroon ka pa ring sobrang pananakit, o lumulubha ang pananakit, pagkatapos uminom ng gamot. Maaaring hindi sapat ang bisa ng gamot. O maaaring may isang komplikasyon mula sa operasyon.

  • Nararamdaman mo ang sobrang pagkaantok, nahihilo, o liyo. Maaaring napakalakas ng gamot.

  • Mga masasamang epekto tulad ng pagduduwal o pagsusuka. Maaaring ipayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na uminom ng iba pang gamot.

  • Mga pagbabago sa balat gaya ng pantal, pangangati, o hives. Maaari itong mangahulugan na mayroon kang reaksyon na allergy. Maaaring ipayo ng iyong tagapangalaga na uminom ng iba pang gamot.

  • Iba ang itsura ng hiwa (halimbawa, bumubuka ang bahagi nito).

  • Pagdurugo o pagtagas ng likido mula sa lugar ng hiwa, at hindi nasabihan na asahan iyon.

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kaagad kung mayroon kang:

  • Hirap sa paghinga

  • Pamamaga ng mukha

Kung mayroon kang nakakasagabal na hirap sa paghinga kapag natutulog o obstructive sleep apnea

Binigyan ka ng gamot na anesthesia sa panahon ng operasyon upang panatilihin kang kumportable at walang pananakit. Pagkatapos ng operasyon, maaari kang magkaroon ng mas maraming pagsumpong ng apnea dahil sa gamot na ito at iba pang gamot na ibinigay sa iyo. Maaaring mas tumagal ang mga pagsumpong kaysa karaniwan. 

Sa bahay:

  • Panatilihing gamitin ang continuous positive airway pressure (CPAP) device kapag natutulog ka. Maliban na lamang kung sinabihan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na huwag gawin ito, gamitin ito kapag natutulog ka, sa araw o sa gabi. Ang CPAP ay karaniwang device na ginagamit pang gamutin ang nakakasagabal na hirap sa paghinga kapag natutulog o obstructive sleep apnea.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago uminom ng anumang gamot sa pananakit, mga pamparelaks ng kalamnan, o pampakalma. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ang tungkol sa mga posibleng panganib ng pag-inom sa mga gamot na ito.

  • Makipag-ugnayan sa iyong tagapangalaga kung malaki ang ipinagbabago ng iyong pagtulog kahit umiinom ng mga gamot ayon sa itinagubilin.

Online Medical Reviewer: Jonas DeMuro MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Tara Novick
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell
Disclaimer