Diabetes at ang Iyong Anak: Ang A1C Test
Ano ang A1C test?
Ang A1C ay isang simpleng pagsusuri ng dugo. Sinusukat nito ang katamtamang lebel ng asukal sa dugo ng iyong anak sa loob ng 2 hanggang 3 buwan na panahon. Ipinakikita nito kung gaano kahusay na kinokontrol ang asukal sa dugo ng iyong anak. Kung mas mahusay na nakokontrol ang asukal sa dugo ng iyong anak, mas maliit ang kalamangan na magkaroon siya ng mga komplikasyon mula sa diabetes. Maaaring magkaroon ang iyong anak ng iba pang pagsusuri tulad ng glucose sa dugo nang may pag-aayuno, glucose tolerance test, o random na pagsusuri ng glucose ng dugo. Ngunit ipinapakita lamang ng mga pagsusuring ito ang mga lebel ng asukal sa dugo sa sandaling iyon. Hindi nito ipinakikita kung gaano kahusay na nakokontrol ang asukal sa dugo ng iyong anak sa paglipas ng panahon.
Sinusukat ng A1C test ang dami ng glucose na dumidikit sa isang protina na tinatawag na hemoglobin. Nasa pulang selula ng dugo ang hemoglobin. Kung mas maraming glucose na nakadikit sa pulang selula ng dugo, mas mataas ang katamtamang asukal sa dugo ng iyong anak sa paglipas ng panahon.
Kadalasang ibinibigay ang resulta ng A1C bilang porsiyento. Karamihang taong walang diabetes ay mayroong antas ng A1C na 5.7% o mas mababa.
 |
Ang malulusog na pulang selula ng dugo ay may ilang glukos na nakadikit. |
|
 |
Kapag ang iyong anak ay may mataas na sugar sa dugo, mas maraming glukos ang nakadikit sa pulang selula ng dugo. Ito ang sinusukat ng A1c. |
|
Ang target na numero ng A1C ng iyong anak
Sasabihin sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung ano ang dapat na target na numero ng A1C ng iyong anak. Magdedepende ito sa edad, pangkalahatang kalusugan, at iba pang dahilan. Mas mababa sa 7.5% ang layunin na A1C para sa mga bata at tinedyer. Malamang na kailanganin ng iyong anak ang A1C test bawat 3 buwan. Kakailanganin mo pa ring suriin ang asukal sa dugo ng iyong anak nang ilang beses sa isang araw. Sabiian sa tagapangalaga ng kalusugan kung hindi tugma ang pang-araw-araw na mga resulta ng asukal sa dugo sa resulta ng A1C.
Saan matututo nang higit pa
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa diabetes, bisitahin ang mga website na ito:
-
American Diabetes Association www.diabetes.org
-
Juvenile Diabetes Research Foundation www.jdrf.org
-
American Association of Diabetes Educators www.aadenet.org
-
American Association of Clinical Endocrinologists www.aace.com
-
Endocrine Society www.endocrine.org/topics/diabetes
-
National Diabetes Information Clearinghouse www.diabetes.niddk.nih.gov
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Robert Hurd MD
Date Last Reviewed:
2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.